Magdiwang Ang Mga Adik At Dilawan! Oplan-Tokhang Ipinatigil Na…

Tiyak na magpapamisa ang mga dilawan at magkakaroon naman ng engrandeng selebrasyon ang mga adik at tulak dahil sa balitang ito…

Ipinatigil na ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang “Oplan Tokhang”. Ayon sa ulat, ipinag-utos ni Dela Rosa ang pagtigil nito sa buong bansa kasunod ng atas ni Pangulong Duterte na nagtatalaga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na maging tanging ahensiyang mangunguna sa kampanya kontra droga.

Ayon sa PNP chief, tututok muna sila sa mga kampanya kontra kriminalidad, partikular na sa mga krimeng kinasasangkutan ng mga riding-in-tandem, at sa paglilinis ng kanilang hanay o internal cleansing.

Pero ayon kay Dela Rosa, bagamat tigil na ang oplan-tokhang sa bansa, hindi nangangahulugang tagumpay ang mga kritiko ng giyera kontra droga dahil sa pagtigil ng operasyon ng PNP.

Paliwanag ni Bato, nariyan pa rin ang PDEA para ipagpatuloy ang mandato ni Duterte — handang magtulungan ang dalawang ahensya sa pagsugpo sa droga.