Puro Taas-Sahod Sa Mga Teachers, Paano Naman Ang Mga Nurses?!

Ngayong araw na ito ay ipinagdiriwang ang World Teachers’ Day. Kaalinsabay nito ay nangalampag sa pamahaalaan ang mga guro para itaas ang kanilang sahod na matagal na nilang hinihingi diumano.

Ayon kay Alliance of Concerned Teachers Chairman Benjamin Valbuena, itinaon nila sa World Teachers Day ang kahilingan na itaas ang kanilang sahod na gawing 25 libong piso na minimum para sa entry level o teacher 1 at 16 libong pisong sa mga empleyado.

Lingid sa kaalaman ng iba ay maraming guro sa mga private schools ang nagkakandarapang maging public school teacher dahil di hamak na mas mataas ang sahod ng mga nasa public schools kumpara sa mga pribadong eskwelahan (maliban nalang sa ilang prestigious private schools).

Subalit sa kabila ng lahat, masakit mang tanggapin, KAMOTE pa rin ang public school system natin kahit mas mataas na ang sahod ng mga guro nila kumpara sa mga private school teachers lalong-lalo na sa elementarya at high school (exception ang tertiary o kolehiyo).

Ang aming panawagan, bakit puro guro nalang ang nakikita ng mga mambabatas at Senado samantalang may isang propesyon na para bagang nakalimutan na, pinabayaan, namaltrato at pinawalang halaga na — ang mga FILIPINO NURSES!

Kailan ba tutulungan ng pamahalaan ang naghihingalong propesyon na ito? Madami napo sa kanilang nag call center, nagtatrabaho ng malayo sa kanilang tinapos na propesyon, at ang iba ay mapalad na nakapangibang bansa dahil sukang suka na sa pamahalaang walang pakialam sa kanila!

Wala bang tutulong sa mga Pinoy nurses? Bakit parang isinumpa ang propesyong ito sa Pilipinas ngayon?

Sana may makapansin sa urgent concern na ito ng mga nurses bago pa mahuli ang lahat. Baka dumating ang araw, wala ng magtyagang magnurse sa Pilipinas, lahat nangibang bansa na.

Ang sigaw ng mga Pinoy nurses, bigyang pansin ang kanilang panawagan. Bigyang-halaga sa bansa ang kanilang propesyon. Itaas ang moral ng mga nurses sa Pilipinas!