LIBRENG KOLEHIYO SA SUCs (State Universities and Colleges) AT VOCATIONAL, BATAS NA!

Ang dating pangarap lamang na libreng edukasyon para sa bawat Bacooreño at Pilipino ay abot kamay na.

Dahil sa pagsasabatas ng UNIVERSAL ACCESS TO QUALITY TERTIARY EDUCATION ACT, na ating isinulong bilang Principal Author ng HB4701, maisasakatuparan na ang pangarap ng bawat pamilyang Pilipino sa libre at de-kalidad na edukasyon.

Salamat po, Pres. Rodrigo Duterte, gayundin sa 58 na kapwa ko principal author sa Kongreso, kay Cong. Ann Hoffer na Chairperson ng Committee on Technical and Higher Education, kay Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Leader Rodolfo Fariñas, sa pamunuan ng Senado at ating mga Senador, at sa lahat ng mga Kongresista, para sa makasaysayang accomplishment na ito.

Higit sa lahat, salamat sa lahat ng ating pinaglilingkuran na nagtiwala at nagbigay ng pagkakataon upang maisakatuparan natin ang lahat ng ito.

Para po sa inyo ito!

To God be all the glory.

#StrikeSaSerbisyo #SaBacoorAtHomeKaDito #StrikeSaKongreso #ParaSaBayan 🇵🇭