Joshua Garcia Explains To BASHERS Why He And Julia Barretto Wore Face Masks While Inside A Mall — MUST READ!

Matapos mabash ng bongga ang Joshlia love team dahil sa pagsusuot ng face mask sa mall, sa wakas ay nagsalita na din si Joshua tungkol sa issue.

Nakapanayam siya ng PEP.PH (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong nakaraang Miyerkules, July 26, sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport para sa ASAP Tour in Toronto. Depensa ng binata, bukod sa may mga ineendorso silang produkto ay ayaw lang nila ni Julia na hindi mapagbigyan ang lahat ng gustong magpakuha ng larawan kasama silang magkapareha:

Alam naman ng mga tao kung gaano kami ka-down to earth… Hangga’t maari kailangan palagi kaming nasa ilalim… Kasi ako nung araw na yun, siguro ano lang kami sa trabaho ni Julia… Sobrang sagad kami sa trabaho, gusto lang kasi namin pareho na manood ng Spider Man… Nung nagpunta kami ng mall, may mga binibilhan kami na kailangan di kami nagpupunta dun, may mga ineendorso kasi kaming produkto… Nadadaanan lang namin yun, ayaw naman naming mawala mga endorsements namin… Wala naman yun sa nagtatago kami… Siguro lang gusto lang namin na di magkagulo… Pangit naman yung gusto naming maglakad na kaming dalawa tapos may biglang magpapa-picture tapos mahihindian lang namin… May mga mapagbigyan man kami, tapos may mga hindi kami mapagbigyan, nakakalungkot naman para sa kanila.