Aljur Abrenica Is Now A Kapamilya!

It’s now safe to say na Kapamilya na itong si Aljur Abrenica.

Nitong Lunes ng hapon, July 31, ay opisyal nang sinalubong si Aljur ng ABS-CBN executives na sina Cory Vidanes (Chief Operating Officer), Laurenti Dyogi (business unit head), at Deo Endrinal (Dreamscape production head).

Sa isang post sa IG ng ABS-CBN publicist na si Eric John Salut, magkakaroon na diumano ng show si Aljur sa Kapamilya network. Nailatag na rin daw ang iba pang programa para sa former GMA-7 actor.

Sa ngayon, wala pa diumanong kontrata na pinipirmahan ang ang 27-year-old actor, pero tuloy na tuloy na ang pagiging Kapamilya ng kasintahn ni Kylie Padilla, na anak ni Robin.