Mag-Asawa Na Dating Empleyado, Umasenso Dahil Sa Pagtitinda Ng CALAMARES!

This post was shared to Peso Sense Facebook page entitled ‘SIPAG AT TIYAGA’.

Share ko lang sa inyo about sa Business ko. Dati po akong nag work at regular employee sa isang malaking Department Store. Nag resign ako 2010 gawa nung walang mag aalaga sa mga anak ko. Asawa ko nlang ang nagtatrabaho ako nasa bahay nlang. Sapat lang ang sahod nya kaya nahirapan ako mag budget. Pilay pala talaga pag isa lang ang may work, kaya nag isip kami kung anong magandang negosyo. Meron ako naitabi na pera 10k naisipan namin magpagawa ng sidecar at ang ititinda namin Calamares. Nagpaturo kami sa Bayaw nya kung paano at magkano kikitain. Sabi kasi ng bayaw nya maganda daw talaga kikitain halos kalahati kaya exited ako.

First week namin di namin makuha kuha ang kita na maganda, pero di kami sumuko mag asawa. Hangang sa naabot na namin ang kita na inaasam namin, nag resign na ang asawa ko para tutokan nya na ang pagtitinda kasi kumita kami katumbas ng 2-3 araw nyang sahod. Hanggang sa tumagal nakahanap kami ng magandang pwesto, dahil masinop ang asawa ko sa pera nagtatabi pala cya araw-araw bukod sa kita na binibigay nya sa akin, after 6 months nagpagawa uli kmi ng isa pang sidecar at kumuha kami ng isang tindero. Umabot ng isang taon nagpagawa uli kami ng dalawang sidecar kaya apat na lahat. Para makatipid kumuha ako ng motor yan kulay Pula para may service kami pamalengke.

Sa totoo lang kapeso kaya ang bilis namin makarami ng sidecar tulungan kami mag asawa, pag pagod na cya mamalengke, ako ang namamalengke na naka motor lang. Sipag at Tiyaga kami mag asawa kasi lahat ng anak namin sa Private School nag aaral. Last year 2016 nag pagawa uli kami ng dalawa. Sa ngayon meron na po kaming 6 na sidecar at may anim na Helper, nag roroving nalang po ang asawa ko tuwing hapon sa mga Helper namin. Last March naisipan namin kumuha ng Kotse pero inisip ko itabi ko nalang ang pera para sa pag aaral ng mga anak namin, kaya bumili nalang kami ng bagong motor almost 70k yan MIO 125 cash na agad kasi mahal pag hulugan umabot ng 120k. Malaking bagay service sa mga anak ko. Last June nabasa ko Peso Sense Page, sobrang na Challenge ako at natutong magtipid. Sa totoo lang po may pagka waldas din talaga ako sa pera siguro dahil kumikita pero mali pala un. Mahilig ako sa branded na damit at Gadget lahat namin ay IPhone. Pero ngaun mula nung sinubaybayan ko ang page na ito parang nawalan ako ng gana sa mga luho. Nag alkansya din ako after 3 weeks yan na lahat naipon ko mahigit 10k.

So ang ginawa ko para makita ko ung natutunan ko sa pagtitipid bukod sa BDO na matagal na naming Banko mag asawa, nag open ako sa PS Bank. Sa PS Bank ko lahat nilalagay ung laman ng alkansya ko.Sa BDO ko nman nilalagay ung kita namin araw-araw. Sa ngayon sa awa ng diyos napakaganda ng takbo ng negosyo ko, sa tulong ng Maykapal.Advice ko lang sa mga kapesong parang pinagkaitan ng mga asawa nila, hwag kaung pumayag na gawing tao tauhan ng asawa nyo. Ang mag asawa sa hirap at ginhawa magkakasama at walang lamangan.

Sa ngayon sobrang proud kami sa lahat ng narating namin. Ang goal namin ay ang kotse pero sabi ng dalawa kung College pag naka Graduate sila na daw bahala sa kotse. Ang isa Business Management, ung isa Flight Attendant. Ako na rin umaako ng maintenance ng Mama ko. Pag kinapos naman ang mga kapatid ko nakakatakbo rin sila sa akin. Dahil naniniwala ako sa kasabihang kung sino ing may biyaya ay cyang magbibigay. At pakitandaan po kapeso walang yumayaman na nangangamuhan lang.God Bless All. Sana na inspire kau at may napulot kaung idea sa kwento ng Family ko !!!

Tip #1: Kahit amo na kami mag asawa di namin inisip un, pag dumalaw ako sa pwesto. Ako ang nagluluto, at kelangan maging mabait sa helper.

Tip #2: Inventory araw-araw. In short bilangin lahat ng natirang paninda, dapat naka monitor araw-araw para di malugi.

Salamat Peso Sense. 😊