GUYS WALA ULIT AKONG BALAK MANAKOT! Netizen Shares CREEPY Experiences From Their Old House

Put@! may mata sa labas ng bintana…

Do you believe in the unknown and supernatural? Do you have the so-called third eye?

Well, we have this story from Facebook and it’s giving us the eerie chills.

It’s about this girl’s story of an ‘entity’ that lives in their house.

It’s really scary and creepy so we’ll just leave it to you if you will believe it or not.

Here’s the trending post of Lhipkram LK Dominguez:

GUYS WALA ULIT AKONG BALAK MANAKOT 
MAGKU KWENTO LANG PO ULIT AKO ..

Siguro naman nakikita nyo yung picture below.na may arrow zoom nyo po ng maige.. Isa yan sa nilalang na laging nakatambay sa labas ng bintana namen sa dati naming bahay. Matagal na itong litrato na ito.. Kung pagmamasdan ng maige halos apat sila dyan pero ung isa ang sobrang kinabahala ko at kapansinpansin..

Bumisita sa amen ang kaibigan namen na si Magdurulan Kristine at ang kanyang bf na si Dexter Terte nung nakita nila yung litrato na to ay hindi na sila umuwi 😂😂

Kinabukasan pag gicing nila ng umaga umuwi na din sila agad. Dahil si dexter daw ay sumama ang pakiramdam .. Mula nuon sa tuwing papapuntahin ko si dexter sa bahay lagi nalang sumasama ang pakiramdam nya ..

Ayaw na nyan pumunta samen. Pero pag gagawa kame nang kanta at kailangan ko ng taga chorus pinapapunta ko siya .. Pero nagaalangan siya. Nagpasya si camille na kausapin ang mga nilalang na nasa labas .. At bawat punta na ni dex sa amin ay sinusundo siya ni camille sa baba at hinahatid na din pauwi ..

Gusto nyo ba malaman kung ano ang mga nilalang na nakatambay sa bintana namen?
Sila ay mga kaluluwang ligaw at nakasanayan nalang nila ang lugar na yon .. 1week palang kame nakakapag stay sa bahay nayon mula ng lumipat kame duon sila nag pakita ..

Hindi saken ahh kay camille 😂😂😂 so ayun na nga. Yung time na nagpakita sila kay camille nag away kame nung araw na yun ..

Nakita siguro na malungkot si camille ang sabe sa kanya “kamusta! Ayos ka lang ba?” hindi sila kinibo ni camille pero nagsasalita padin sila “nasaktan kaba ? Kame kase nasaktan kame nasunog kame eh” pero hindi padin sila pinansin ni camille dedma lang ..

Itinulog nalang ni camille at kame naman ni blayziejhay ay nasa event .. Biglang nagchat saken si camille na umuwi na daw kame yung galon ng tubig na inumin bumagsak daw kumalat yung tubig sa bahay halos walang natira bahang baha yung bahay. Yung bahay kase studio type…

Paguwi namen kinuwento nya saken. At napagtanto ko inilagay ko ung tubig sa lababo sobrang lapat na lapat pagkalagay ko nun isa pa punong puno pa un at ang layo sa bintana para hanginin ..

Tapos kinabukasan nun gabi ulit patulog na kame .. Biglang bumagsak yung lighter ko. Sa di ko malaman na dahilan. Medyo nagtataka na ko .. Hanggang sa kinaumagahan (gumicing ako ng pogi😂) sinipag ako maglinis siyempre .. Habang nagluluto si camille naglilinis kame ni blayzie jhay .. Habang malapit na kame matapos .. Nakakita ako sa altar ng mga abo.. Parang sunog na papel oh plyhood bayun basta parang pa box yung korte nya. ..

Sabi ko “babe, parang nagpapapansin ung mga nasa bintana .. Una TUBIG PANGALAWA LIGHTER PANGATLO TIGNAN MOTO sabi nya san galing yan ? Sabi ko abay ewan ko ????? WALA AKONG MAALALA NA NAG IHAW AKO SA LOOB NG BAHAY 😂😂

So ayun si camille dedma nanaman .. Hanggang sa nakasanayan nalang namin sila .. Apat na nilalang ang nasa bintana namen lahat sila nasunog .. Hanggang sa dumating ung time na kinukulit tlga si camille habang kinakausap ni camille ako naman lagi nya pinapapwesto sa likod nya .. Tamang NBA lang ako pero ung pagiging alerto ko wala sa nilalaro ko 😂😂😂 mindset ko pag may narinig man ako na kakaiba tatakbo ako ng mabilis na parang sasalo ng FASTBREAK 😂😂

Sabi ni camille sa kanila hindi kayo pwede dito .. Ang sinagot daw eh “hindi kame papasok jan ayaw kaya namen jan pero dito sa labas wag mo na kame pagbawalan di naman kame makakapasok eh may bantay kaya kayo” sabi ni camille huh ? Sinong bantay ? Hindi daw nagsi imikan at nagtinginan lang ..

Hanggang sa dumating ang time na nanghihingi na sila ng tulong .. Kesyo tulungan daw sila ni camille hanapin ang pinto ng kapayapaan sabi ni camille hindi ko kayo masasamahan dun di ko alam un .. Ang sagot sa kanya. “imposible nag aalaga nga kayo ng dalawang anghel eh” yung tinutukoy pala nila yung kambal nameng anak na nawala (miss ko kayo kambalelong naming mahal) 

Sinabihan sila ni camille na “basta wag kayo mananakit kahit sino dito samen” .. Ang sinagot daw “hindi kame ganun” hanggang sa dumating yung time na na ngungulit na sila .. At lalo pang dumami naging anim na sila ..

Sa tuwing nagtatalo kame ni camille ang lagi nila sinasabe “gusto mo paalisin na namen yan ? ” eh nung time na nagtalo kame sabi nya “babe wag ka na maingay wag ka na magalit plss” tapos nakatingin siya sa bintana .. Bigla ako nagsabe na bakit ? Basta mamaya .. Matik na tahimik muna tayo 😂😂😂

Un pala nakikipag away sya sa mga un .. Kase nga makukulit na .. Sabe nya saken “babe dito ka sa likod ko” .. Habang nagtatalo sila ako naman nagtatanong din kung ano sinasabe saken 😂😂 sasabihin ni camille binabantaan ka nanamn .. Sabe ko “ahh ganon!” (biglang yakap sorry) 😂😂😂😂

May mga time na binabato ni camille yung bintana sa sobrang inis nya. Minsan malakas daw sila mang urat pero minsan may mga nakakatouch silang side .. Nung iniwasan namen pag tatalo nag salita daw ung mga yun “masaya kame pag nakikita namen kayong masaya”

Kaya nung time na lumipat kame yung mga nilalang na nasa bintana namen kinausap ni camille .. Lahat daw sila nalungkot ..

At yun lamang hehe kinuwento ko lang mga tropa ..

Alam ko hindi kapanipaniwala sa iba yung mga gantong kwento .. Mahirap para sa isang tao na may third eye/sixth sense ang mag share ng mga experience nila dahil minsan sasabihan sila na baliw may sayad .. Hindi sila pangkaraniwan.yung iba naman sinasabe na gifted sila dahil may kakayahan silang makakita ng mga nilalang hindi kayang makita ng pangkaraniwang tao ..pero para kay Camille ..isa lang dhilan kung bakit hinahyaan nyang gumana ang kanyang thirdeye/ sixth sense yun ay para sa mga yumaong mahal nya sa buhay lalo na para sa mga anak nming nwala.. 😥