16-Anyos Na Dalagita, Pinatay Sa Saksak Bago Ginahasa Ng 2 Suspek!

Hubo’t hubad nang matagpuan ang bangkay ng isang 16-anyos na babae sa Bugallon, Pangasinan. Ayon pa sa balita, ang isa sa mga suspek, minor de edad na pamangkin pa ng biktima.

Sa ulat ni Joanne Ponsoy sa GMA News TV’s “Balita Pilipinas” nitong Martes, kinilala ang biktima na si Vanessa Amansec, 16-anyos,┬ábunso sa limang magkakapatid.

Nakita ang bangkay ng biktima na may saksak sa dibdib sa bakanteng lote sa barangay Pangascasan na nasa boundary ng Bugallon at San Carlos City.

Ayon sa report, galing diumano sa computer shop ang biktima nang sapilitang isinama patungo sa di natukoy na lugar ng dalawang lasing na suspek na sina Feliciano Beltran, 65-anyos na magsasaka, at isang menor de edad na pamangkin ng biktima.

Ito ang salaysay ng binatilyo:

Niyaya ako nung ano… yung matanda… Pinagsasaksak po niya pero ni-rape ko siya, tsaka sumunod siya.

Itinanggi naman ni Beltran ang paratang laban sa kaniya at sinabing hindi niya kasama ang menor de edad na suspek:

Hindi ko kasama ‘yan. Pinagbibintangan ako, bakit parang tunay na ako ang dinidiin dito.

Hustisya naman ang hiling ng pamilya ng biktima. Ito nalang ang nasabi ng kanyang ina:

Hindi na namin mabubuhay ang anak namin. Kaya ang kailangan gawin, bitayin din sila.

Kasong rape with homicide ang inihahanda laban kay Beltran, habang dadalhin naman sa DSWD ang ang menor de edad na suspek.