Magkano Ang Annulment Sa Pilipinas? Magkano Ang Magagastos Sa Attorney At Gaano Katagal Ang Annulment Process?

Annulment sa Pilipinas

Ayon sa pinakalatest na impormasyong nakalap ng GMA News mula sa Office of the Solicitor General, nasa 11,135 ang annulment cases na naitala noong 2014. 

Samantala, sa programang “Bawal Ang Pasaway kay Mareng Winnie” ng GMA7 ay ipinaliwanag ng isang sikat na lawyer kung magkano ang inaabot ng ginagastos sa pagpapaannul ng kasal at kung gaano katagal inaabot ang proseso nito.

FYI, ang annulment ay ang legal na proseso sa Pilipinas para mapawalang-bisa ang kasal ng mag-asawa. Ayon sa obserbasyon ng nakararami, MAGASTOS at MATAGAL ang pagpapa-annul dito sa Pilipinas na iniuugnay naman ng ilan kung bakit nababawasan na ang mga nagpapakasal sa bansa.

Ayon kasi sa pinakahuling listahan ng Philippine Statistics Authority, bumaba diumano ang bilang ng mga nagpapakasal — mula sa 492,666 noong 2006 ay naging 414,325 na lang noong 2015.

Magkano ang annulment sa Pilipinas ayon sa isang batikang lawyer?

Ayon kay Atty. Raymund Fortun, isang batikang lawyer, aabot sa P450,000.00 ang gastos sa hahawakan niyang annulment case kung hindi kokontra o hindi lalaban ang kabilang panig.

Gayunman, posible umanong umabot sa “seven figures” ang gastos o aabot sa milyones kapag hindi simple ang kaso.

Yan ay kapag si Raymund Fortun ang hahawak ng annulment case mo, ibig sabihin ay pwede pang bumaba ang gastos kung ordinaryong lawyer ang hahawak ng case, lalo na kung kakilala o kaibigan.

Gaano katagal ang annulment sa Pilipinas?

Ayon pa din kay Atty. Fortun, tumatagal ng mula isang taon at dalawang buwan, hanggang sa tatlong taon ang pagdinig sa annulment case.

Samantala, idinagdag din ng mga eksperto (Atty. Fortun at Asliyah Limbona, chair ng Pro-Divorce PH) na maaaring maging balakid din sa annulment case ang Office of the Solicitor General, na may mandato na pangalagaan ang kasagraduhan ng kasal. Watch the annulment episode below:

ALSO READ: People With These Professions Are Most Likely To Cheat On Their Partners