Cellphone TIPS Para Sa Battery At Charger Ng Ating Mga Smartphones (Android At iPhone)

Cell phone problems and solutions…

May problema ba ang android o iPhone mo? Naguguluhan ka ba sa mga kasagutan na nakikita mo sa Internet?

Narito po ang mga kasagutan sa inyong tanong na nakalap pa namin sa mga technicians ng cellphone online at sa mga repair shops sa mall.

Ayaw mag charge ng cellphone / Ayaw mag charge ng iphone ko

Maaaring sira ang charger.

Gumamit ng ibang charger. If ayaw pa din, itry isaksak ang charger sa ibang outlet. If ayaw pa din, maaaring nasa cellphone na ang problema.

Siguraduhing malinis ang saksakan ng charger sa cellphone — walang mga dumi or nakabara sa butas na saksakan ng charger. Kung maayos naman ay subukang ifactory reset ang cellphone, maaaring hindi gumagana ang software na ukol sa charging. Makabubuting ibackup muna ang files bago magfactory reset.

Kapag wala padin, isangguni na ang cellphone sa technician. Kung may warranty pa ito ay dalhin sa binilhan at magdala ng official receipt.

Cell phone problems and solutions...

Umiinit na cellphone / Bakit umiinit ang android phone?

Ang android phone ay natural na umiinit kapag maraming apps na gumagana at the same time. Kalimitang nangyayari ito kapag nakababad sa isang app ang user tulad sa paglalaro ng games, etc…

Subalit, kung sobrang init na ng battery mo, as in parang sasabog or halos hindi na mahawakan, mabuting ipacheck up mo na sa technician ang cellphone mo. Maaaring may problema na sa baterya.

Samantala, ang android phone ay gumagamit ng mga makabagong battery na kung tawagin ay lithium ion batteries. Ang  lithium ion batteries ay mas malakas magkarga ng kuryente kumpara sa mga lumang battery na kung tawagin ay nickel batteries (Energizer, Eveready, etc…).

Bukod dito, ang mga lithium ion batteries ay mas mabilis magrecharge. At ang init nito ang mas lalong nagpapabilis para makafull charge. Ibig sabihin ay normal na umiinit ang battery ng mga makabagong smartphones.

Subalit, kung sobrang init na ng battery mo, as in parang sasabog or halos hindi na mahawakan, mabuting ipacheck up mo na sa technician ang cellphone mo. Maaaring may problema na sa baterya.Cell phone problems and solutions

Bakit mabilis malowbat ang cellphone? / Bakit madaling malowbat ang cellphone?

Depende, kapag matagal na ang cellphone mo, lalo nat humigit kumulang dalawang taon na or older pa, e malaki ang chance na humihina na ang battery mo.

Pero kung bago pa naman ang cellphone mo at mabilis malobat, maaaring depektibo ang battery o software ng cellphone mo… Yun bang tipo ng sa loob ng dalawang oras e lobat na agad ang kakafullcharge mong phone.

Pero kung ang cellphone mo ay kalimitang tumatagal (pag full charge) ng dalawang araw at nalowbat agad sa maghapon, hindi ito kataka-taka dahil maraming android apps na active at kumukunsumo ng battery power mo.

Isa sa pinakamalakas dito ay ang 3G o LTE signal ng cellphone mo. Pangalawa ay ang screen mo. Makabubuting babaan ang ilaw o brightness ng screen mo. Mas OK din kung naka automatic brightness ang screen mo, na nasa pinakamababang level. Pangatlo ay ang mga apps na bukas tulad ng FB Messenger, Facebook, etc… isama na din natin ang bukas na Wifi mode ng cellphone mo.

Kung gusto mong makatipid sa battery, makabubuting ioff lahat ng apps at ilagay sa airplane mode ang cellphone kung wala namang ineexpect na mahalagang tawag o messages. Mainam ding mag-airplane mode kapag nasa lugar na mahina masyado o walang signal. Malakas kumain ng battery ang antenna ng smartphone kapag nagsusumikap itong makaconnect sa network.Cell phone problems and solutions

Ilang oras dapat icharge ang bagong cellphone?

Inirerekomenda ng mga eksperto na hayaang nakacharge ang bagong cellphone sa loob ng walong oras at hayaan itong nakaplug kahit full charge na. Mas nakabubuti din na naka-OFF ito habang nakaplug.

Ilang oras dapat icharge ang cellphone? Pwede bang icharge magdamag ang cellphone?

Pede itong icharge kahit anong oras dahil ang mga cellphones ngayon ay tinatawag ng SMARTPHONES.

Literal na matalino ang mga smartphones. Nakadesign ang mga battery nito na tumigil magcharge kapag puno na ang battery. Ang charging mode ng mga smartphones ay nagsiswitch sa trickle effect kapag puno na ang battery, pero napapanatili itong full charge.

Subalit, inirerekomenda ng mga eksperto na huwag sanaying laging full charge ang cellphone lalo na kung galing ito sa pagka-battery drain (yung namatay ang cellphone mo dahil naubusan naemtibat na). Mas mabuting icharge ang cellphone kapag nasa  20% – 10% na ang battery at payo din ng mga experts na hanggang 85-90% charge lang upang mas maalagaan ang battery life.

HUWAG HAHAYAANG MA-EMPTY BATTERY ANG CELLPHONE. Isave ang natitirang 5-10% sa pamamagitan ng pagshut down dito. Ugaliing magbaon ng powerbank.

Bakit umiinit ang charger?

Hindi normal sa charger ang umiinit ng sobra. Maaaring may problema ang outlet o saksakan, kaya itry isaksak ang charger sa ibang outlet.

Kung original charger ang gamit at umiinit pa din, maaaring may problema na ang charger o kaya ang cellphone. Subukang gumamit ng ibang charger sa iisang cellphone. Pag hindi na nainit, ibig sabihin ay may problema ang charger mo.

Pero kung gumamit kana ng tatlong charger at nainit padin lahat ng charger, maaaring nasa cellphone ang problema. Subukan ang factory reset para mareset ang pagfunction ng software na may koneksyon sa mechanism ng phone charging. Huwag kalimutanng magbackup bago gawin ito. Kung hindi naresolba, ipacheck mo na sa technician ang cellphone.

Lastly, maaari ding hindi compatible ang charger sa cellphone kaya umiinit. Gumamit ng tamang charger.

PS: Bukod sa factory defect na cellphone o battery, ang kalimitang dahilan ng pagkasunog at pagsabog ng cellphone ay mga PEKENG REPLACEMENT BATTERY. Siguraduhing hindi binili sa tabi-tabi lang ang inyong mga replacement battery — pagmura ng replacement battery, pagtaas ng posibilidad na ipahamak ka nito habang nagchacharge.