MAY GAMIT ANG ASIN: Alamin Ang Tips Para Iwas-Gising Sa Tinatawag Na ‘Witching Hour’

Waking up during the witching hour…

‘Witching hours’ ang tawag sa pagkagising sa alanganing oras na 12 midnight o 3:00 am. Marahil ay marami sa atin ang nakararanas ng ganito, ang magising sa alanganing oras na nabanggit.

Sa nakaraang episode sa segment na “Paranormars” ng “Mars” sa GMA 7 (sinulat ni Jamil Santos), tinalakay ni Nick Nangit, paranormal expert, ang tungkol sa tinatawag na ‘Witching Hour.’

Maging UPDATED tulad ng aming 33,000 OFW subscribers!
Get FREE updates with exclusive stories. No spam, ever.
We respect your privacy and online security.

Ayon sa paranormal expert, sa kanilang probinsya, may sabi-sabi na pagsapit ng hatinggabi ay maaaring makita ang mapapangasawa kapag humarap sa salamin habang may hawak na kandila. Ngunit hindi raw ito masyadong ginagawa  o sinusubukan dahil sa takot na baka iba ang makita sa salamin. Ipinaliwanag ng paranormal expert na kapag nagkamali ang isang tao sa kanyang chant o incantation, maaaring masamang elemento ang magpakita sa salamin.

Balik tayo sa ‘witching hours’, ipinaliwanag ng paranormal expert na ang paggising sa madaling araw ay posibleng dahilan ng pagod, at maaari ring “spiritual awakening” na kadalasang nangyayari ng 3AM hanggang 4 AM:

Spiritual awakening is waking up at three o’clock in the morning. Nag-a-awaken ‘yung ating souls. Nagiging more in touch tayo with our psychic selves… It is good.

Ipinaliwanag ng paranormal expert na itinuturing ng ibang eksperto na malakas ang puwersa ng “kadiliman” sa 3:00 am at kabaligtaran naman sa 3:00 pm na malakas ang kabutihan. Matatandaan na ang 3PM beliefs na ito ay bunga ng oras na sinasabing namatay ni Jesus Christ sa oras na 3PM:

Sa afternoon malakas ang powers of goodness kasi nga nag-sacrifice Siya. Ang opposite naman n’un ay 3am,” anang paranormal expert.

Ayon pa rin paranormal expert, mas matalas diumano ang pakiramdam natin pagsapit ng alas-tres ng madaling araw kaya madalas ay ramdam nating may mga naglalakad o kaya naman ay may makikitang mga anino.

Ayon padin sa paranormal expert,  nangyayari ang Rapid Eye Movement (REM) ng isang tao sa oras na 3:00 am hanggang 4:00 am, o yun tinatawag na half awake at half asleep:

Mas down yung defenses mo, mas lalo mong mararamdaman ‘yung mga nasa paligid na hindi nakikita ng ibang tao. Kaya ‘yung feeling na may nakatingin sa’yo, actually, it’s possible talaga na may tumitingin sa’yo. ‘Yung iba naman nag-a-astral projection. Lumalabas ‘yung katawan nila.

Samantala, ito ang payo  ng paranormal expert para maiwasang makaranas ng paranormal sa madaling araw:

Pag ayaw mong magising ng 3am, before you sleep, mag-salt bath ka. It relaxes. Puwedeng rock salt, sea salt is okay, or ordinary rock salt sa palengke… Ihalo sa water ng [pa-clockwise], then ‘yung huling banlaw mo, ipaligo mo siya. Salt is a universal cleansing agent or repellant… Kung may rock salt ka, ilagay mo sa apat na corners ng bed mo. [Kasi] ‘yung mga virgins na magaganda, nilalapitan sila ng mga Incubus.