P83,000 Per Month Ang Sinasahod Ng Mga Tagalinis Ng MRT 3???

Kung tutuusin mas mayaman pa pala ang mga tagalinis ng mga bagon ng Light Rail Vehicles (LRV) ng Metro Rail Transit (MRT) 3 kumpara sa mga bank manager at government officials kung sahod ang pag-uusapan!

P83,566 kada buwan diumano ang estimated na sahod ng mga ito!

Ito ang natuklasan ni Puwersa ng Bayaning Atleta party-list Rep. Jericho Nograles sa patuloy na pagbusisi sa kontrata ng MRT 3 service provider na Busan Universal Rail Inc. (BURI).

Maging UPDATED tulad ng aming 33,000 OFW subscribers!
Get FREE updates with exclusive stories. No spam, ever.
We respect your privacy and online security.

Sa kanilang pagbusisi, lumalabas na may kabuuang P18.050 million na nakalaan para sa 6 na tauhan na ang trabaho ay linisin lang ang 43 LRV o mga bagon, base sa kontratang inaprubahan ng administrasyon ni da­ting Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya!

Ang kontratang naaprubahan ay para sa tatlong taon o P6,016,800 kada taon. At kung ididivide ito sa anim na tagalinis ay lumalabas na sumasahod ang mga ito ng P83,566 — di hamak na mas malaki pa sa P40,000 hanggang P60,000 na sinasahod ng mga bank managers at mga Director II sa gobyerno na may salary grade na P83,000 kada buwan.

Nakakaeskandalo umano ang kontratang ito na inaprubahan ng nakaraang administrasyon kaya muling iginiit ng mambabatas na putulin na ang kontrata sa lalong madaling panahon.

Ito ang naging pahayag ng mambabatas ukol sa natuklasan nila:

This BURI contract is a midnight deal riddled with graft and unsigned by the appropriate authorities should be scrapped right away… The DOTC entered into this BURI maintenance service contract and Dalian Locomotive supply contracts with so much haste to the point of disregarding national interest and public welfare. Now we are paying for the previous administration‚Äôs sins. This should stop now. No more payments until the procurement laws are followed correctly.