Itim Na Van Sapilitang Isinakay Ang Isang Dalaga Sa Alabang, Biktima Natagpuang Tulala At Sugat-Sugat Sa Batangas!

Ayon sa report ng GMA News, sapilitan diumanong isinakay sa van ang dalagang biktima nuong Lunes (June 12) at makalipas ang dalawang araw, natagpuan itong buhay sa lalawigan ng Batangas.

Subalit…

Laging tulala, sugat-sugat ang katawan at halos di makausap ang dalaga ng matagpuan ito sa isang bakanteng lote sa sa barangay Poblacion sa Sto. Tomas sa Batangas, ayon sa ulat ni Steve Dailisan sa GMA News “24 Oras”. Dito diumano binaba ng mga salarin ang biktimang itinago sa pangalang “Baby,” 18-years old.

Maging UPDATED tulad ng aming 33,000 OFW subscribers!
Get FREE updates with exclusive stories. No spam, ever.
We respect your privacy and online security.

Sa salaysay na nakuha ng mga pulis, naghihintay raw siya ng masasakyan sa isang mall sa Alabang nang bigla nalang syang tinutukan ng baril ng isang lalaki at sapilitang isinakay sa isang itim na van. Ayon sa salaysay, parang malapit lang daw sa Alabang ang pinagdalhan sa kaniya ng mga suspek.

Hindi na raw idinetalye ni “Baby” sa mga pulis kung ano ang mga sunod na nangyari pagkatapos nito. Pero kinabukasan, ikinuwento niya na inutusan siya ng mga salarin na makipagkita sa isang lalaki para magdala ng isang package na magaan lang daw (habang nakamasid ang isang suspek). Matapos nito, saka na raw ibinaba si Baby sa Sto. Tomas kung saan natagpuan sya ng mga taga-barangay at inireport sa mga kinauukulan.

Ayon sa ulat ng mga pulis, posibleng ginawang drug courier ang dalaga. Sa pagsusuri naman ng ospital, hindi naman daw nagalaw o nagahasa ang dalaga pero nagtamo raw ito ng matinding trauma dahil sa abduction na nangyari.

ALSO READ: P83,000 Per Month Ang Sinasahod Ng Mga Tagalinis Ng MRT 3???